Ria Atayde, tinik sa relasyong Zanjoe Marudo at Bela Padilla

sarah-geronimo1

AMINADO si Ria Atayde na iba na ang magiging timpla ng character niya sa TV series na My Dear Heart na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Bela Padilla, ng batang si Nayomi “Heart” Ramos, ni Ms. Coney Reyes, at iba pa.

Ayon sa aktres, may pagkakontrabida na ang mapanonood sa kanya sa naturang serye ng ABS CBN.

“Lumalabas po na parang kontrabida bale ‘yung character ko ngayon dito, kumbaga ay napatatag ng panahon. From being an insecure character to a strong, successful and professional doctor. Napatatag po siya ng stay niya sa London, kaya po parang nagbago na nga iyong character ko sa seryeng ito,” pahayag sa amin ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Sa mga naunang espisodes ng My Dear Heart, si Ria ay gumaganap bilang si Gia, ang college sweetheart ni Zanjoe na nang nalaman ng ina ng dalaga na ginagampanan naman ni Coney bilang si Dr. Divinagracia ay pinaglayo niya ang dalawa at ipinadala sa ibang bansa ang anak.

Akala rin ni Gia ay namatay ang anak niya nang ipanganak ito, ngunit ang hindi niya alam ay ipinamigay ito ng nanay niya at eventually ay nawala ng taong pinagbigyan ng naturang baby.

Marahil sa tulong ng tadhana, si Jude (Zanjoe) ang nakakuha ng bata at inampon nila ito ni Bela.

Ngunit hindi nila alam na tunay na anak ni Jude ang batang si Heart.

Anyway, nang usisain namin kung siya ba ang magiging tinik sa relasyon nina Zanjoe at Bela sa kanilang serye o parang magkakaroon ng triangle sa kanila, medyo matipid ang sagot ni Ria dahil ayaw daw niyang ibigay ang magiging takbo ng kuwento ng kanilang serye.

“Hindi ko pa po masabi iyong tatakbuhin ng kuwento. Pero parang ganoon na nga po.”

Ipinahayag din ni Ria na nakakaramdam siya ng pressure, sobrang excitement, at nerbiyos sa kanyang character My Dear Heart.

“I am very happy of course, but very pressured po, kasi ang bigat ng character na ginagampanan ko rito, pero kaya naman po.

“I’m super-excited po and nervous, of course, Coney Reyes iyon eh. Ang maganda po, kasi hindi po siya intimidating…si Tita Coney pa po ‘yung tumutulong sa akin sa mga eksena po. Of course, maraming preparations po ang ginagawa ko para sa aking role rito. Super binabasa ko po iyong script, paulit-ulit,” nakatawang pagtatapos ni Ria.

&&&

Sarah Geronimo, baka i-bash din ng KathNiel fans?

Recently ay naging paksa ang posibilidad na sa hinaharap ay gumawa ng pelikula sina Sarah Geronimo at Daniel Padilla.

Nang nagkaroon kasi ng production number sina Sarah at Daniel sa ASAP a couple of Sundays ago, nasabi ni Daniel na kung mabibigyan siya ng pagka- kataon ay gusto niyang makatrabaho si Sarah sa pelikula.

Dito’y nasabi naman ni Kathryn Bernardo na okay lang sa kanya sakaling maging magkapareha sa pelikula sina Sarah at Daniel, idol niya raw kasi si Sarah.

Pero sakaling mangyari ito, hindi kaya i-bash ng sangkaterbang KathNiel fans si Sarah? Siyempre ay maiinggit o magseselos sila na makitang may ibang kapareha ang kailang iniidolong love teams.

Although sure kami na maraming magtatanggol sa singer/aktres particular ang ever loyal niyang Popsters.

Anyway, matatandaan na ang mga avid followers nina Kathryn at Daniel ay kabilang sa hanay ng fans na talagang masigasig sa pagta- tanggol at pakikipagbalitaktakan para sa kapakanan ng kanilang mga idolo.

Parang mga tagahanga rin sila nina Maine Mendoza at Alden Richards na pinuputakti sa social media ang sinomang pumupuna o bumabatikos sa kanilang mga idolo.

Pati mga artista na nali-link sa kanilang respective idols, outside ng love teams ng idolo nila, talagang pag-iinitan at kamumuhian ng fans.

Kaya mas okay na rin siguro na bago palutangin ang ganyang balita, pag-isipan muna kung ano ang mapi-feel ng fans.

Alam naman kasi natin na nakasalalay ang kasikatan ng mga love teams o artista sa kanilang loyal fans. STYLE SHOWBIZ/NONIE V. NICASIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply