Sharon, naghahanda na sa kauna-unahang Cinemalaya movie

sharon-cuneta4

NAKALABAS na si Sharon Cuneta sa indie film dahil nakasama niya noon si Hilda Coronel at Angel Aquino sa pelikulang “Crying Ladies” ni Mark Meily.

Ngayon, puspusan na ang paghahanda ang Megastar sa pagsasapelikula ng kanyang unang Cinemalaya movie na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” ni Mes de Guzman.

Aminado naman si Shawie na medyo naiinggit siya noon kina Guy at Vi dahil nakagawa na ang mga ito ng mga pelikula para sa presti- hiyosong Cinemalaya.

Nagbida na sa Cinemalaya dahil lumabas na siya sa “Hustisya” at “Tuos” samantalang si Vi ay napanood sa “Ekstra”.

Bagamat nakalabas na sa “Inang Yaya”, ang kanyang kakontemporaryo na si Maricel Soriano na lamang ang hindi pa nakagagawa ng pelikula para sa Cinemalaya.

Papel ng isang desperadang babae na naghahangad na magbalik sa kanya ang asawa at dalawang anak ang role ni Sharon sa “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”.

Siya rin ang isa sa mga producers ng pelikula na mapapanood na sa Agosto.

Dominic Roco, hindi masyadong bilib sa awards

Nanalo ng best actor award si Dominic Roco sa kanyang makabuluhang pagganap bilang isang call center agent na may pinagdadaanan sa buhay sa pelikulang “Sleepless” ni Prime Cruz na naging kalahok sa 2015 QCinema International Film Festival.

Pero ayon sa actor, hindi naging garantiya ang pagkapanalo niya upang madagdagan ang kanyang trabaho.

“Winning an award now is not a guarantee to have jobs. Ako, I’m talking based on what I experienced. I won an award and yet I did not have a regular show,” aniya.

Hindi naman ikinaila ni Dominic na minsan ay na-depress siya sa takbo ng kanyang career.

“I felt bad about it because I thought they’re gonna put premium on it, but it does not work that way anymore. So, it’s not as prestigious as before,” sey niya.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Dominic na nabibigyan siya ng trabaho nga mga taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan tulad ng Articulo Uno at TBA Films na siyang producer ng pelikulang “I’m Drunk I Love You” kung saan ang role niya ay kapangalan ng isang singer.

“I play the role of Jason Dy. Siya iyong gay best friend ni Maja. It’s my second time to do gay roles. My first was in Madaling Araw, Mahabang Gabi with Angelica Panganiban,” kuwento niya.

Enjoy siya sa gay role dahil binigyan niya ito ng kakaibang atake.

“Hindi siya iyong tipong screaming faggot. Siya iyong tipong shoulder to cry on ng kanyang bes. Iyong tipong nagre-remind sa kanyang friend ng kanyang mga kagagahan kung nagkakamali siya,” ani Dominic.

Tungkol naman sa kanyang kakambal, napakalaki raw ng respeto at paghanga niya rito.

“For me, idol ko si Felix. What I can do, he can do better. He’ll do anything. May mga bagay namang he can do, but I can do better,” pagbubunyag niya.

Gusto rin ni Dominic na makasama sa isang proyekto ang kanyang ama at kakambal.

Nakasama na niya sa Cinemalaya movie na “Ang Nawawala” si Felix pero never pa raw niyang nakakatrabaho ang amang si Bembol sa pelikula.

“I would like to remake Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag. If that happens, I want to work with my brother and my Dad,” pagtatapos niya.

Huling napanood si Dominic sa GMA teleseryeng “Juan Happy Love Story”. CHIKKA PA MORE/ ARCHIE LIAO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply