Special someone ni Martin Nievera nakatago

martin-nievera1

HAVEY ang Valentines Day ng Concert King na si Martin Nievera.

Hindi ito malungkot dahil aminado siyang may special someone siya ngayon pero ayaw na niyang i-reveal.

Ayaw niyang makaladkad pa sa showbiz ang identity ng girl.

Simpleng babae lang daw ito na mahilig sa gadgets.

Pero hindi ito bilmoko ng mga Louis Vuitton products.

Naging matalik muna silang magkaibigan bago nagkaroon ng relasyon.

Yes, kumpleto ang “Valentines Day niya bukod sa Valentine concert nila ni Lani Misalucha na Masquerade sa February 14 and 15 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Meron din sa February 12 sa Waterfront Hotel, Cebu.

Nauunawaan naman daw ng girlfriend niya kung may trabaho si Martin sa araw ng mga Puso.

Pero hindi pa niya nakikita ngayon ‘yung pagpapakasal dahil sa nangyari sa marriage nila ni Pops Fernandez noon.

Anyway, marami ang makaka-relate kina Martin at Lani sa “Masquerade” concert.

Maraming hugot at romantic songs na inihanda ang dalawa hindi lang sa magsyota kundi pati na rin sa mga single o member ng camp sawi.

Ang proceeds ng “Masquerade” ay ido-donate sa Rotary Club of Makati East, Association of Chiefs of Police of the Philippines, Inc. at Anti-Illegal Drugs Group ng PNP.

Nagpapasalamat din si Martin na kahit maraming nagsusulputang magagaling na young singers ay hindi pa rin sila binibitawan ng mga fan nila. Nandiyan pa rin sila na nanonood ng concert niya.

Actually, positibo ang pananaw ni Martin kung anuman ang nangyayari sa career niya. Hindi niya ginagawang isyu kung original host siya ng ASAP pero ngayon ay hindi na siya ang main host.

Ang mahalaga sa kanya ay nandiyan pa rin siya sa ASAP sa loob ng 22 years samantalang marami na ang nawala at marami na ring nagdatingang bagong artista at singers.

Kumbaga, matatag pa rin ang isang Martin Nievera.

Talbog!

-0o0-

Love ni Aiko Melendez na makatrabaho ulit si Jomari Yllana.

Pero, hindi raw niya alam kung gusto ni Jomari na makasama siya.

Nag-aartista na kasi ang anak nilang si Andrei Yllana kaya may nagtanong kung okey lang ba kung pagsamahin silang tatlo sa isang project.

“Puwede naman basta gusto niya (Jomari) akong makatrabaho, di ba?. Hindi ko alam sa kanya, ayaw niya yata akong kausapin lately.

Ha!!Ha!ha! Hindi ko siya nakakausap,” bulalas ni Aiko sa launching-presscon ng bagong pelikula niya sa BG Productions International na “Balatkayo”.

May nagtsika na kasamahan sa press na may bagong girlfriend daw kasi si Jom.

“Ayaw kong aminin. Sa iyo nanggaling na may bago siya. Ha!ha!ha! Binuko?” reaksyon ni Aiko.

Naniniwala ba si Aiko na si Jean Garcia diumano ang bagong karelasyon ni Jomari?

“That’s not true. Jean and I are friends. I know the real score. They’re just good friends back pa noong “Kampanerang Kuba” days sa ABS. Alam ko talaga ang totoo,” pahayag ni Aiko.

Pero, boto siya kay Jean if ever na makarelasyon ito ng estranged husband niya.

Gusto raw niyang mapunta sa mabuting babae ang ex-husband niya.

Samantala, napapanahon ang pelikulang “Balatkayo” dahil nagkaroon ng video scandal ang kanyang binatang anak.

Paano kung mangyari ‘yun kay Andrei? Ano ang magiging reaksyon niya?

Lagi raw niyang nire-remind ang mga anak niya sa values na naniniwala kay God.

“Pag naniniwala kayo sa Diyos, may takot kayo na pasukin ‘yung mga porn sites. Magdadalawang isip kayo. At everytime na tinuturo mo ang values sa mga anak mo, mas may takot sila at mag-iisip sila kung dapat bang gawin ‘yun o hindi,” pakli ni Aiko.

Alam din niya ang password ng phone ng mga anak niya lalo na raw si Andrei kaya tsine-check niya ito palagi.

Samantala, loveless daw ngayong Valentine’s Day si Aiko dahil break na sila ng kanyang Persian boyfriend na si Shahin Alimirzapour.

“Hindi ko na po siya kilala,” tumatawang pahayag ni Aiko.

“I’m very much single but I’m ready to mingle. Seven months na po akong single. Hindi ko lang po talaga ipinaalam sa press at sa media iyong breakup namin because it’s my respect for my ex-boyfriend since hindi naman siya artista,” sey pa niya.

-0o0-

Nasa huling tatlong Linggo na “Alyas Robin Hood” ng GMA 7 kaya mas lalong tumitindi ang kapana-panabik na takbo ng istorya nito.

Pinag-uusapan kagabi ang pagku-krus ng landas nina Megan Young (Sarri) at Andrea Torres (Venus) na kung saan ay pataasan ng kilay at nagtatarayan sila. I’m sure maaaliw si Marian Rivera instead na magselos sa eksenang pinag-aagawan at nilalandi ang kanyang mister na si Dingdong Dantes sa seryeng ito.

Parehong inasikaso ng dalawa si Pepe (Dingdong) sa pagkain. So, para matigil na ang usapan, pareho na lang niyang kinuha ang dalawang plato na ino-offer nina Sarri (Megan) at Venus (Andrea). Pareho niyang kinain ang mga hinanda nito.

Anyway, may mamamatay ngayong araw na ito sa “Alyas Robin Hood”. Sino kaya kina Maggie (Cherie Gil) si Dean (Sid Lucero)?

Susuko na rin kaya si Pepe sa pulisya? Maprotektahan kaya siya?

‘Yan ang abangan! XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply