TAON-TAON NA LANG ITINATAON SA TAG-INIT

experto1

ASAHAN na ang pagtaas sa singil ng kuryente sa mga susunod na mga araw.

Ito ang naging anunsiyo ng Manila Electric Company o MERALCO sa kanilang mga konsyumer ilang araw bago sumapit ang tag-init sa ating bansa ngayong papatapos na ang hangin ng amihan.

Ang ipinagtataka ko lang ay tila palagi na lang itinataon ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa mga panahon na mas maraming kailangan na gamiting kuryente ang ating mga kababayan.

Mula noong buwan ng Disyembre hanggang sa Pebrero ay halos ‘di na ako gumagamit ng tinatawag na ‘Air Condition’. Hindi rin tumatagal ang ‘Electric Fan’ sa aking pagtulog – kasi [nga] ay malamig ang panahon.

Ngayong malamig ang panahon ay wala naman nagbabadya ng pagtaas sa singil ng kuryente kasi’y hindi naman daw kailangan pa itong itaas. Sapat pa ang lahat upang mapanatili ang presyo ng kuryente.

Subalit ngayong malapit nang matapos ang tag-lamig sa ating bansa at papasok na ang tag-init sa buwan ng Marso ay nariyan na ang anunsiyo ng Meralco na itataas nila ang singilan.

Hanep sa tiyempo, taumbayan! Sa mga panahon na aarangas ang ating mga air-condition o electric fan dahil sa init ng panahon ay doon naman itataas ang singil sa kuryente ng Meralco na ito.

Ang dahilan nila ay nagbago na ang ginagamit na panggatong sa paggawa ng kuryente na mas mahal daw kaysa sa dati. Nariyan din ang tinatawag na ‘Maintenance Shutdown’ ng Malampaya Power Plant.

Kahit gusto natin magtipid sa kuryente ay hindi natin magagawa dahil mainit ang panahon lalo na kung nakikita natin ang kalagayan ng ating mga anak sa gitna ng mainit na panahon.

Taon-taon nang ganito – pansamantalang isasara ang operasyon ng Malapampaya Power Plant at kung anu-ano pang dahilan na siyang gagamitin nilang dahilan sa pagtaas ng singil ng Meralco.

Talagang nagpag-iisip ako nang todo ng mga ito lalo na ng Meralco dahil kung kailan gagamit tayo ng maraming kuryente sa darating na panahon ng tag-init ay doon naman nila isisirit ang presyo ng kuryente.

Duda ko talaga ay sinasadya ito taon-taon. Ito ang naging obserbasyon ko sa nakalipas na ilang taon. Tag-lamig, walang galawan ng presyo… sa tag-init ay itataas nila ito at muling ibaba pagdating ng tag-ulan. Pansin ninyo, taumbayan?

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply