Tinatawanan lang ang isyung nangbababae si John!

TINATAWANAN lang ni Priscilla Meirelles at ni John Estrada ang tsikang nambabae ang huli.

Hindi naniniwala si Priscilla dahil ang chism ay nakikita raw ang girl pag nag-golf ang actor.

Marami raw friends si Priscilla na members sa pinaglalaruan ni john ng golf kaya imposibleng walang magsumbong sa kanya.

Nagtataka rin si John kung saan galing ‘yung Chinese na babae niya.

Biniro nga namin siya na baka nakita siya sa Chinese New Year.

Si Priscilla na pala ang tumatayong manager ni John.

Balita namin ay may offer ngayon ang GMA 7 kay John pagkatapos niyang gawin sa ABS-CBN 2 ang “Magpahanggang Wakas”.

Inabot pala ng serye ang expiration ng kontrata ni John sa Kapamilya network kaya open din siyang makipag-negoatiate sa Kapuso network.

Anyway, balitang may meeting na rin si John sa ABS-CBN 2 habang bukas rin siya sa alok ng GMA 7.

Si Priscilla naman ay kasama sa bagong serye ng Kapamilya network na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

-0o0-

Buong ningning na sinabi ng “Legally Blind” star na si Janine Gutierrez na hindi sila magkaibigan ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona.

Pero buong ningning niyang sinabi na masaya na siya ngayon at naka-move on na.

Time na raw para magfocus siya ng work. Aminado rin siya na hindi na siya nagdadalawang isip pag gusto rin niya ang isang tao.

Di ba may kasabihan na ‘If you feel like saying I love you, you should say I love you or you should not let the moment pass you by,’At least, wala raw siyang pinagsisihan.

Anyway, challenging ang role ni Janine sa “Legally Blind” na kung saan ay ginahasa siya ni Marc Abaya.

Ramdam na ramdam daw ang takot niya nu’ng kunan ang eksena. Nanibago rin siya dahil ganoon ka-mature ang role niya at unique ang istorya.

Inabuso raw siya bilang babae sa bagong serye na ito.

Pak!

-0o0-

Bukod sa TOFARM Filmfest, magkakaroon din ng TOFARM Songwriting Competition na kung saan ay maglalaban sa April 9 sa Samsung Hall ng SM Aura.

Dalawa ang napili na ang titulo ay Binhi ng Pagbabago nina Gino Torres at John Christian Jose.

Finalists rin ang Langit ng Tagumpay ni Elmar Jan Bolaño, Magtatanim Ako ni Edwin Marollano, Ika’y Mahalaga ni Henry Alburo, Tiyaga Lang at Sipag ni Robert David, Bayani ng Lupa ni Agila Malaya, Balik na Salinlahi ni En Gallardo, Tayo ni Daryl Cielo at Magtanim ng Bago ni LJ Manzano.

Posibleng gamitin ang mga kantang ito sa theme song ng mga pelikulang kasali sa TOFARM filmfest.

-0o0-

True ba na hindi lantaran at pasikreto ang panliligaw na ginawa ni Elmo Magalona kay Janella Salvador kaya imbudo si Jenine Deside-rio?

Ito ba ang dahilan kaya may pinapatamaan si Jenine sa kanyang Twitter Account?

Bakit kasi hindi normal na umakyat ng ligaw si Elmo kung gusto niya talaga si Janella bilang respeto sa ina ng young actress?

Di ba?

-0o0-

Kamakailan lang ay nalaman namin na makakasama si Inah de Belen sa cast ng Encantadia kaya’t marami ang nagtatanong kung sino ang panibagong karakter na gagampanan ng Kapuso actress.

Kaya naman ngayong maraming nagbago sa mga nagdaang episodes ng top-rating series ay inaabangan na rin ang pagpasok ni Inah at ng karakter niyang si Deshna, ang anak nina Hagorn at Lilasari.

Ayon sa young actress, ibang klaseng paghahanda ang kaniyang ginawa para dito. Aniya, “When I found out, sabi ko ‘My gosh, pinapanood ko ‘to before!’ Tapos ngayon, kasama na ako sa Encantadia.

Sa preparation, napansin ko kasi na medyo physical talaga ‘yung role ko so iba talaga ang training. Masasabi ko na ibang-iba siya sa Oh, My Mama!”

Ang tanong lang namin ngayon: Masama o mabuti kaya ang magiging role ni Deshna sa buhay ng mga Sang’gre? XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply