Tulak utas sa buy-bust ops

TIGBAK ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang entrapment operation sa Cebu kahapon, Pebrero 13, Lunes.

Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Isidro S. Lapeña ang nasawing si Elmer Padin, nasa drug watchlist na drug personality ng Cebu City.

Ayon sa PDEA, dakong 3:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) sa Poblacion III, Carcar City, Cebu na nagresulta ng barilan nang magtangkang tumakas si Padin.

Dito ay tinamaan si Padin na agad namang isinugod sa Carcar Provincial Hospital subalit ‘di na rin umabot nang buhay.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 12 sachets ng shabu na may timbang na 200 grams, at may street value na P600,000, cal. 45 pistol, at isang KG9 sub-machine gun na ginamit ng suspek. SANTI CELARIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply