Wala munang peace negotiation na magaganap- Sec. Andanar

WALA na talagang pag-asa na magbago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibalik ang peace talks sa negotiating table.
 
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na tuloy-tuloy ang ‘acts of building confidence measures’ gaya ng socio-economic programs  ng pamahalaan sa mga rebelde subalit hindi aniya iyon nangangahulugan na ibabalik ang tinatawag na  ‘act of talking on the negotiating table’ .
 
“We simply follow the direction of the President na huwag muna, wala munang peace negotiations,” ayon kay Sec. Andanar.
 
Handa si Pangulong Duterte na bigyan ng bagong buhay ang mga rebelde na gustong bumaba mula sa kabundukan, pumunta sa siyudad at sumuko.
 
Nais aniya ni Pangulong Duterte na tulungan ang mga ito sa kanilang pagbabagong buhay.
 
Sa aspeto aniya ng negosasyon  sa CPP-NPA-NDF ay wala na aniya iyon  dahil tapos na aniya ang usaping ito.
 
“Kasi nga the President already walked the extra mile; at ang pakiramdam nga namin sa gobyerno ay sobra naman na tatlong sundalo eh pauwi, kumuha lang kanilang subsistence allowances, tapos papatayin, talamak iyon. Hindi na makatarungan iyon,” lahad ni Sec. Andanar. KRIS JOSE
 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply