Yassi Pressman is the new Darna?

SHOCKING ang announcement ng ABS CBN tungkol sa cast ng Darna.

Maliban kay Onyok na gaganap ng Ding, nakagugulat na hindi na si Angel Locsin ang gaganap sa virginal role ni Darna kundi si, hold your breath – Yassi Pressman!

What’s the matter with Angel Locsin? Isn’t she the choice of the powers that be at ABS to delineate this much coveted Darna role?

Akala ko ba naka-ready na ang casting at ang availability na lang ni Angel ang hinihintay?

Nevertheless, when we browsed at the net, ito lang naman ang nakita namin at nagulat talaga kami sa announcement na ‘to after being informed sometime last year that it would be Angel Locsin who would be delineating the Darna role.

Kung sabagay, objectively speaking, Yassi Pressman is fitted for the role.

For one, she has youth and can very well afford to tackle the very demanding action routine that the role demands being agile and physically fit.

‘Yung ibang kaedad kasi niya ay masyadong fragile at hindi nababagay sa ‘bruskong’ role ni Darna.

Angel is fitted for the role but she is fast becoming sickly of late. Ang totoo niyan, kay rami na niyang operasyong pinagdaanan kaya siguro nagdecide ang Star Cinema na ibigay na kay Yassi ang physically demanding role ni Darna.

Anyway, parang final na nga ang casting na ‘to dahil naka-line up na si Ms. Gina Pareno bilang Lola Ganda, si Ricky Davao bilang tatay ni Darna, Sylvia Sanchez bilang asawa ng role ni Ricky, Albert Martinez as the evil Luceo, lovely Dawn Zulueta in the role of Princess Almea, feisty Arci Munoz in the role of Valentina, Darna’s all time nemesis, Ellen Adarna as Babaeng Impakta, Vin Abrenica as the Giant, lovely Isabelle Daza as Babaeng Manananggal, Arjo Atayde in the role of Darna’s leading man (his first big break ever!), Tanner, the PBB boy in a very special role and, of course, the agile and lovely Yassi Pressman in the role of Darna.

Perfect casting if I may say so but what about Angel? I’m sure her heart is broken because of this development.

Kung hindi totoo ito, bakit sila nakabuo ng ganyang ka-impressive na line-up?

PAOLO BALLESTEROS, MULING NAKATANGGAP NG PARANGAL!

After payanigin ang Tokyo at Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon, muli na namang nakatanggap ng parangal ang Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros.

Recently kasi, ibinahagi ni Paolo sa kanyang Instagram account ang Film Ambassador Award na tinanggap niya mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang Die Beautiful bilang si Trisha.

Pinasalamatan ng mahusay na aktor ang FDCP at ang kanyang mga kasamahan sa pelikulang Die Beautiful.

Aniya, “Thank you FDCP for this recognition! Film Ambassador Award Congrats team #DieBeautiful @junrobleslana @percinotpercy @omardarling @ferdy_lapuz.”

NA-TRAUMA SA EXPENSES?

Hahahahahahaha! Kung ang dating karelasyon ng gwapong foreign hunk dude na ‘to ay na-trauma nang magpunta sila ng kanyang boyfriend sa lugar na kinalakhan nito, ganon din more or less, ang nangyari sa bago niyang karelasyon.

Ang sabi, natrauma raw talaga sa laki ng expenses ang girl lalo na’t hindi naman siya kasing liquid noong dating ‘recruit’ ng hunk actor na ‘to. Hahahahahahahahahaha!

Ano nga ba ang nangyayari at tuwing magpupunta ang mga chick sa lugar na sinilangan ng aktor ay nakikipagbreak na ang mga ito pag- dating dito sa atin?

Well, if rumors are going to be proven credible, it has got to do with the huge expenses that the ladies incurred in their stay abroad.

Hindi raw sukat-akalain ng mga chicks na ipasasagot ng guy ang mga gastos nila sa abroad, along with the generous gifts that they gave to the guy’s relatives.

No wonder, ayaw na raw sagutin ng girl ang mga messages nu’ng guy at blinock na niya ito sa kanyang instagram account.

Que horror! Hahahahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

PASALAMAT SI VICE KINA SYLVIA AT JULIA, NAKAKUHA SIYA NG MAGANDANG RATING!

Dati-rati, prior to the guestings of Ms. Sylvia Sanchez of the top-rating soap The Greatest Love sa show ni Vice Chakah, one digit na lang ang rating ng Sunday show nito.

Pero dahil sa kwelang-kwelang narrative nina Sylvia at kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde, nag-improve ang rating ng show ni Vice.

Maganda kasi ang batuhan ng mag-iina at visibly glued sa kanilang seat ang mga televiewers kaya nag-rate nang husto ang show ni Vice.

Siyempre pa, nakatulong nang malaki ang guesting nina Julia Montes, along with Maxine Magalona, na pinilit ni Vice na umamin sa real score ng relasyon nila ni Coco Martin.

Nevertheless, hindi nag succeed si Vice na paaminin ang Doble Kara girl na hanggang Friday na lang ang airing ng show.

Tunay ka, may aliw factor ang mga tanong ni Vice tungkol kay Coco kaya revited to their seats ang mga televiewers.

Otherwise, sa mga iba niyang guests ay hanggang 7% na lang ang rating n Vice.

Hindi na talaga siya makaalagwa at hanggang one digit na lang siya lalo na’t hindi interesante ang kanyang mga panauhin. Hahahahaha!

Suffice to say, it’s palpably obvious that Vice’s appeal to her fans appears to be dwinding as time goes by.

Kung hindi talaga interesante ang kanyang mga guests, hanggang 7% na lang at hindi na makaalagwa sa rating ang show.

Speaking of Sylvia Sanchez, tumitindi ang mga kaganapan sa soap nilang The Greatest Love. Nagkakaroon na ng gap sina Amanda (Dimples Romana) at Liezl (Andi Eigenmann) dahil hindi pumapayag ang una na maging miyembro ng pamilya si Pedro Alcantara (Nonie Buencamino), na aprubabo ng mga kapatid niyang sina Paeng (Aaron Villaflor) at Andrei (Matt Evans).

As always, napakahusay ng performance ni Sylvia Sanchez na tumatagos sa puso ang pagganap sa bawat episode.

Napanonood nga pala ang The Greatest Love right after Doble Kara sa Kapamilya Gold ng Abs Cbn.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at peteampoloquiojr@gmail.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply