7 lindol naitala sa Cebu

SA loob lamang ng anim na oras, pitong lindol ang umuga sa Cebu province kaninang medaling-araw, ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na ang unang lindol ay naitala dakong 3:41 a.m. at ito’y umabot ng magnitude 3.6 at may lalim na isang kilometero.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Asturias at Busay towns, at Cebu City. Intensity 3 naman ang naramdaman sa Mandaue, at Intensity 2 sa Lapu-Lapu.

Dalawang minuto ang nakalipas, isang magnitude 4.8 quake ang naitalang tumama sa probinsya.

May lalim na 25 kilometers, naramdaman ang Intensity 3 sa Lapu-Lapu at Mandaue City.

Limang mahihinang lindol ang sumunod dakong 3:58, 4:41, 4:50, 6:17 at 9:13 a.m.

Nakapagtala ang Phivolcs ng magnitude 2.9 para sa 2 lindol, at magnitudes 3.3, 3.2, at 2.7 sa natitira pa.

Ang epicenter ng lahat ng lindol na pawang tectonic in origin ay na-trace sa Asturias town.

Sinabi ni Phivolcs research assistant Karen Garcia na normal lamang sa malakas na lindol na masundan ng dalawang mahinang tremors, tulad sa kaso ng naunang dalawang lindol na umuga sa Cebu kaninang umaga.

Wala pang natatanggap ang Phivolcs ng ulat ng danyos sa mga ari-arian sanhi ng lindol, dagdag ni Garcia. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply