Aircraft mula Japan, ipang-e-aerial survey

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gagawin nila ang lahat para protektahan at bantayan ang teritoryo at ang exclusive economic zone ng bansa na bahagi ng kanilang mandato.

Kaya isa sa mga hakbang para gawin ito ay gamitan ng anomang available resources na mayroon ang militar para magpatrulya sa teritoryo ng bansa kabilang na ang Benham Rise.

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, kasama sa magsasagawa ng aerial survey ang mga bagong dating na TC-90 aircraft mula Japan at ang mga FA-50 supersonic jets.

Sinabi ni Padilla na ang pagpapatrolya sa karagatan at himpapawid ay bahagi ng kanilang mandato sa saligang batas.

Malinaw aniyang nakasaad sa saligang batas na ang AFP ay protektor ng mamamayang Filipino, ng soberenya at integridad ng bansa.

Pangalawang mandato nila’y magpatrolya sa mga baybaying-dagat at interes ng exclusive economic zone ng bansa.

Sa ngayon, may mga barko nang nagsasalitan na nagpapatrolya sa Benham Rise. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply