Barker, inutas sa pagtulog

UTAS ang isang barker matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek habang natutulog sa Quezon City kaninang umaga, Marso 20, Lunes.

Kinilala ni C/Insp. Tito Jay Cuden, hepe PIO ng Quezon City Police District, ang biktimang si Riopoldo Evarley, 33, binata, ng Purok 4B, Luzon Ave. cor. Cogressional Ave., Brgy. Culiat, QC.

Agad binawian ng buhay si Evarley sa isang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo habang mabilis na nakatakas ang suspek.

Sa ulat, naganap ang pagpatay dakong 6:00 ng umaga malapit sa Cut Hairtrim Salon malapit sa bahay ng biktima.

Bago ito, natutulog ang biktima kasama ang kanyang ka-live-in nang pasukin ng hindi kilalang suspek at walang ano-anong binaril sa ulo.

Nabatid na bago ang pamamaril, ilang kapitbahay ng biktima ang nakakita sa mga suspek na naka-itim na jacket at kapwa naka-helmet at paikot-ikot sa tinitirhan ng biktima. SANTI CELARIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply