Cebu druglord, huli; pulis natyempuhang bumabatak

NAHULI sa akto ang isang pulis na nagpa-pot session sa loob mismo ng bahay ng isang druglord sa Brgy. Cansojong, Talisay City, Cebu kaninang Huwebes ng umaga.

Ayon sa Cebu Provincial Police Office (CPPO)-Provincial Intelligence Branch at Public Safety Company, kinilala ang pulis na si SPO1 Cielo Bonite na naka-assign sa Dumaguete City Police station habang ang tunay na target ng operasyon ay nakilalang si Frederick Go, 46, na itinuturing na high-value target sa lungsod.

Sinabi ni P/Supt. Mario Baquiran, commanding officer ng Public Safety Company, na noong nakaraang taon pa nila isinailalaim si Go sa kanilang surveillance.

Sa bisa ng search warrant na pirmado ni Honorable Judge Jerry Dicdican, hinalughog ng mga operatiba ang bahay ni Go at nakuha ang 45 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P531,000, mga dahon ng marijuana, drug paraphernalia, iba’t ibang klase ng armas kagaya ng KG9, shotgun, kalibre. 45, 22 magnum at isang explosive device.

Sa ngayon ay nakadetine na ang mga suspek sa CPPO holding cell habang inaasikaso ang kasong isasampa laban sa kanila. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply