Ellen at John Lloyd, lantaran na ang relasyon!

WHAT do John Lloyd Cruz and Ellen Adarna have in common? Pareho nilang gustong magkaanak na walang asawa.

Sa isang interview kay Ellen ay nagpahayag ito na gusto niyang magkaroon ng anak pero ayaw pa niyang magkaasawa.

Ipinarating na nga raw ni Ellen sa kanyang ama na gusto niyang magkaanak pero walang asawa.

Pumayag naman daw ang ama at binigyan siya ng blessing na magkaanak kahit walang asawa.

Si Lloydie (tawag kay John Lloyd sa showbiz) naman ay hinihingan na ng anak ng kanyang nanay.

Sa isang interview rin kasi kay Lloydie ay nagpahayag din ito na gusto niyang magkaanak pero ayaw niya munang magkaasawa.

Dahil kapwa gusto nina Ellen at Lloydie magkaroon ng anak, hindi nakapagtataka kung ma-link sila sa isa`t-isa.

Ayun nga at lantaran na raw na magkasama sina Ellen at Lloydie.

Madalas raw makita ang dalawa sa Ilocos Norte kasama ang kanilang katropa.

Hindi rin kami mabibigla kung isang araw ay mabalita na buntis na si Ellen at si Lloydie ang ama.

Binata at dalaga naman sila pareho kaya walang mapeperwisyo kung magkaroon ng relasyon ang dalawa para lang magkaanak.

***

Handang-handa na si Miss International 2016 Kylie Verzosa na ipasa ang kanyang korona bilang Bb Pilipinas International sa mapalad na mananalo sa nalalapit na Bb Pilipinas Pageant.

Katunayan ay nakasama na ni Kylie ang mga magiging candidates ng Bb Pilipinas at tinanong niya ang mga ito ng, “Are you tough enough to wear my crown?”

Bukod doon ay nag-share rin si Kylie ng tips kung ano ang gagawin kapag sumali ka sa isang beauty pageant.

Payo rin niya sa mga candidates na huwag tumingin sa mga pageant blogs dahil makaaapekto raw ito sa kanilang confidence.

99% raw masasaktan ang sinuman candidates oras na tumingin at bigyan ng oras tingnan ang pageant blogs.

Naiuwi ni Kylie Verzosa ang karangalan bilang Miss International noon October 2016 kaya bilang malasakit sa kapwa mga kababayan Pinay nagbigay siya ng mga tips sa mga aspiring beauty queen.

Ilan sa mga tips na ni Kylie na ipinost niya sa kanyang Instagram, nangunguna ang dapat maging natural, magpractice para maging perfect, marunong makinig, maging matalino, eat healthy, magdala ng chocolates kung kailangan, magdasal atbp tips.

***

Naging peg ni Ai Ai delas Alas si Miss Universe nang magsama sila sa picture ni Pia Wurtzbach sa isang beauty pageant sa San Fernando, La Union last Thursday. Nagkataon na royal blue ang suot ng gown ni Ai Ai sa naturang event kaya nagpakuha siya ng picture na kinokoronahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sinabi pa ng sikat na comedienne na pareho raw silang beautiful with a heart.

Si Miss Pops Fernandez ang nag-imbita kay Ai Ai sa naturang event na hindi nito matanggihan.

Samantala, pumirma ng kontrata ang Comedy Queen para sa gagawin nitong indie films matapos na gawin niya ang Area na kung saan nagkaroon siya ng mga sexy scene.

Sa May naman ay nakatakda nang ilabas ang pellikulang ginawa niya sa Regal Films na Our Mighty Yaya in time para sa pagdiriwang ng Mother`s Day. TEKA MUNA/ GERRY OCAMPO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply