Nambabara at minsa’y walang galang!

kiko estrada

HALATANG masaya si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang boyfriend na si Jeff Ortega.

Binati pa niya ito nu’ng mag-guest siya sa “It’s Showtime”.

Ang kanyang ex-boyfriend na si Sam Concepcion ay may sariling happiness na rin.

Umamin na si Kiana Valenciano (anak ni Gary V) sa “Gandang Gabi Vice” na nagkakamabutihan na sila ni Sam.

Ganern?!
-0o0-

May mga napaiiling kay Kiko Estrada habang sumasagot sa open forum ng pelikulang “Pwera Usog” na showing sa March 8 under Regal Entertainment Inc.

Lumalabas na hindi marunong mag-handle at sumagot sa mga tanong.

Nambabara siya at minsan walang po o opo kaya nagmumukha siyang maangas, presko, mayabang at walang galang.

‘Yun bang parang kaedad lang niya ang kausap niya.

Dapat siguro ay mag-seminar ito sa tatay niyang si Gary Estrada o sa nanay niyang si Cheska Diaz at sa tito niyang si Joko Diaz na magiliw sumagot sa press.

Nagbubulungan ang mga kasamahan sa panulat sa istilo ni Kiko sa pagsagot.

‘Yan daw ang magiging balakid sa pagsikat ni Kiko pag hindi siya marunong sumagot at rumespeto.

Isang halimbawa ay nu’ng tanungin si Kiko kung sa lovelife raw ba ay nauusog din minsan?

“May ganun ba ‘yun? Hindi naman ata. Siguro, may tawag sa right love at the wrong time. Parang kanta lang.”

Right love at the wrong time…ganu’n ba ang nangyari sa huli?

“Hindi ko alam. Sinabi ko lang ‘yun,” pakli niya.

Nakakaloka… ganun ba sa huli?

“Aba, ano ba ang ibig mong sabihin?,” balik tanong niya na medyo tumaas ang boses.

Right love at the wrong time?

“Ah, sinabi ko lang kasi na kung may usog sa lovelife, sinabi ko lang na merong right love at the wrong time siguro.”

Ikaw ba Meant to be?

“Ah, ‘yung ano? Baka sinungaling mong puso..Sinegue mo ‘yung show niya, di ba? segue ko rin ‘yung huli kong show.”

Tinanong din ang male cast na paano kung mausog sila ng bading at kailangang lawayan sa tiyan para gumaling, carry ba na lawayan sila sa tiyan?

Sagot ni Joseph Marco ay okey lang sa kanya as long na may mouthwash para at least ay maging fresh daw ang laway na ilalagay sa kanya.

Sey naman ni Albie Casino :”Kung ‘yun lang ang paraan para gumaling ako, eh, di okey lang po sa akin ‘yun.”

Pero si Kiko inulit ang sagot na “Mausog na lang po siguro ako.”

Binawi niya na joke lang nang mapansin niya na tila nagulat ang press sa sagot niya at sabay sabi na feeling niya ay oo dahil wala naman daw malisya ‘yun at nailigtas naman siya ng baklang ‘yun.

Sige na nga! Kasama rin sa “Pwera Usog” sina Devon Seron, Sofia Andres at baguhang Regal baby na si Cherise Castro. Ito’y isang horror movie na idinirek si Jason Paul Laxamana.

-0o0-

May point si Barbie Forteza na huli na para maging vocal si Kiko Estrada sa feelings niya sa ex niya.

Wala na raw siyang dapat sabihin at hanggat maaari ay ayaw na niyang pag-usapan.

Nagulat daw siya na ganun ka-vocal si Kiko kung kailan wala na sila. Kahit ano pa ang sabihin ay tapos na.

Pero marami ang nagsasabi na mas masuwerte si Barbie dahil inamin ni Kiko. Ang tagal niyang nakarelasyon si Kim Rodriguez pero consistent siya sa pagdi-deny.

May nagtatanong na dahil ba mas sikat si Barbie kesa kay Kim kaya inaamin niya at vocal siya?

-0o0-

Panalo ang feedback sa pilot episode ng “Destined To Be Yours” nina Alden Richards at Maine Mendoza ng GMA 7. Pinaghandaan ng phenomenal loveteam ang best para sa Aldub Nation.

Kakaibang aliw, kilig at saya ang mapapanood sa serye ng AlDub.

Tampok din sina Juancho Trivino, Koreen Medina, Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Gardo Versoza, Janice de Belen, Sheena Halili, RJ Padilla, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, at Dominic Roco.

Havey ang kauna-unahang teleserye ng AlDub. XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply