Oil price rollback, lumarga na

oil-price5

INILARGA na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Piso at sampung sentimo (P1.10) ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel, P1.20 naman sa kada litro ng kerosene habang P0.80 lamang sa kada litro ng gasolina ang itatapyas ng mga oil companies.

Alas-6:00 ng umaga ngayong araw epektibo ang tapyas presyo sa mga kumpaniyang Shell, Total, Eastern Petroleum, Jetti at Phoenix Petroleum.

Una nang nagpatupad ng kanilang tapyas presyo ang mga kumpanyang Petron, Seaoil at Flying V kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong buwan. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply