Petron may rollback sa presyo ng LPG

NAGPATUPAD ng bawas-presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang kumpanyang Petron ngayong unang araw ng Marso.

Epektibo ang rollback ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.

Nasa P0.35 kada kilo o katumbas ng P3.85 kada 11-kilogram cylinder naman ang ibinawas sa presyo ng LPG.

Habang may rollback din na P0.20 per liter ang nasabing kumpanya sa kanilang autoLPG.

Ayon sa Petron, ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang pamilihan. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply