Pilipinas umangat sa pinakamasayahing bansa sa mundo

happy1

LALO pang umangat ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamasayahing bansa sa buong mundo batay sa World Happiness Report ng United Nations (UN).

Batay sa World Happiness Index, umakyat sa ika-72 ang ranggo ng Pilipinas sa mga pinakamasayang bansa sa mundo ngayong taon.

Mas tumaas ito nang 10 mula sa dating ika-82 ranggo noong isang taon.

Nanguna sa nasabing listahan ang Norway na sinundan naman ng mga bansang Denmark, Iceland, Switzerland at Finlad sa Top 5 sa mundo.

Sa rehiyon naman ng Asya, nanguna ang Singapore sa pinakamasayang bansa na nasa ika-26 na puwesto sa overall ranking.

Samantala, bumaba naman ang ranggo ng Amerika sa mga pinakamasayahing bansa sa mundo sa ika-14 na puwesto ngayong taon mula sa ika-13 puwesto noong isang taon. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply