Presyo ng kape, gatas at de-lata, tataas

milk2

NAGBABADYANG tumaas ang halaga ng ilang pangunahing bilihin gaya ng kape, gatas at ilang de-lata ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ito’y dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang sangkap at gayun din ng mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga produkto.

Sinabi ni DTI Usec. Teodoro Pascua, nasa 18.71 percent hanggang 35.67 percent ang itinaas ng mga imported na materyales.

Sa pagtaya ng DTI, nasa 1.2 percent ang maaring itaas sa presyo ng kape habang nasa 3 percent naman ang itataas sa presyo ng gatas.

Una nang humirit ng dagdag na P0.30 kada lata sa presyo ng sardinas ang mga manufacturers pero pinag-aaralan pa ng DTI kung risonable ang hirit ng mga negosyante. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply