Relasyon nina Piolo at Shaina, mauuwi na ba sa kasalan?

TILA mauuwi sa kasalan ang relasyong Piolo Pascual at Shaina Magdayao dahil mahabang panahon na pala ang kanilang pinagsamahan na umabot na nga raw nang limang taon. At ang mga ganito katahimik na relasyon na walang masyadong pralala, na hindi ginagamit sa promosyon ng kanilang mga proyekto, aba’y seryo na nga ito.

Kapag hindi raw busy sa kani-kanilang sariling mga career ang dalawa ay sila naman ang nagbo-bonding. Kamakailan nga ay pinagkaguluhan sila sa isang Italian restaurant nang kumain sila roon.

Mula sa mga waiter at waitress, chef hanggang sa mga kumakain ay talagang nag-uunahang makapagpa-picture sa kanila.

Kwento nga sa amin ng isang fan, para na raw mag-asawa ang galaw ng dalawa, at bagay na bagay daw sila. Pareho silang simpleng tao lang at tahimik. Hindi overacting kapag wala sa harap ng kamera.

Hindi raw nila naramdaman na artista ang mga ito. Hindi raw katulad ng ibang kapwa nila artista na maaarte.

Bueno, kung talagang sila na nga, eh, ‘di wow! Maige naman nang makabuo na sila ng produkto. Hehehe!

ISA PANG DATING MATAAS NA OPISYAL, IPAKUKULONG NI ATTY. TOPACIO!

Hindi naniniwala sa karma si Atty. Ferdinand Topacio. Aniya, kung naipakulong man nila si Sen. Leila deLima, iyon ay dahil daw sa merito ng mga kasong isinampa nila.

Nahaharap ang senadora sa tatlong bilang ng kasong paglabag sa section 5 in relation to section 3, section 26 b at section 28 ng comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Ang sinasabing karma ni Sen. De Lima ay ang pagpapakulong niya kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sens. Bong Revilla at Jinggoy Estarada, kaya nabawian rin siya at nakulong din.

Anyway, sa kabila nang abala sa mga kasong hinahawakan si Atty. Ferdie, may panahon pa rin siya para sa mga kaibigan niya sa entertaiment press. At ang maganda pa sa de-kampanilyang abogadong ito, may puso siya sa mga maliliit.

Alam niya ang pangangailangan ng mga ito at handa siyang dumamay anumang oras. Marami na rin siyang mga artistang tinulungan sa pamamagitan ng paghawak ng kaso ng mga ito na karamihan ay tungkol sa marital cases.

May isa pang inihahandang kaso si Atty. Topacio at ito para naman daw doon sa isang dating mataas na opisyal ng bansa, maliban pa dyan ang isa pang kaso na ang ire-represent niya ay ang isa sa mga anak ni dating Pangulong Erap.

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply