Residential area sa Sampaloc, nasunog

NASUNOG ang isang residential area sa kahabaan ng Dimasalang at Algeciras St., Brgy 484, Sampaloc, Maynila.

Umabot sa ikalimang alarma ang nasabing sunog kaninang 5:45, pero idineklara naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na under control kaninang 6:20 rin ng umaga.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog na nagsimula pasado alas-4:00 ng madaling-araw.

Bahagya namang nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil magkakadikit ang mga bahay na pawang gawa sa mga light materials, at dahil na rin sa masisikip na eskinita.

Sa kabutihang dako, wala namang naitalang namatay, pero inaalam pa ng mga otoridad kung ilan ang nasugatan sa insidente, pati na ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply