Rollback sa presyo ng langis, kasado na

oil-price7

SA ikalawang magkasunod na linggo, muling magpapatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produkto simula ngayong araw, March 14.

Sa kanilang anunsyo, magkakaltas ng P0.35 sa halaga ng kada litro ng gasolina, at P0.60 naman sa kada litro ng diesel ang Unioil, Eastern, Jetti, Petron, SeaOil, Phoenix, PTT, Shell at Total simula alas-6:00 ng umaga.

Magkakaroon din ng bawas na P0.70 sa presyo ng kada litro ng kerosene ang Petron, Shell, at SeaOil.

Gayundin ang halaga ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ng kumpanyang Flying V na nauna nang magpatupad simula kaninang 12:01 ng hatinggabi. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply