Ryza Cenon, nasobrahan sa pagka-praning!

ryza-cenon1

NAPARAMI yata ang ininom na kape ng karakter ni Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos na si Georgia dahil walang kapantay ang pagkapraning niya nang ma-trap sa elevator sina Rome (Gabby Concepcion) at Emma (Sunshine Dizon).

Marami ang natawa sa pagwawala ni Georgia at tinutukan ng Kapuso viewers ang paandar ni Emma para lalong mapikon ang karibal.

Iconic na ang elevator scene na ito dahil wagas ang kabaliwan na ipinakita ni Ryza at kamalditahan naman ni Sunshine.

Walang duda namang kaya panalong-panalo pa rin sa TV ratings ang Ika-6 Na Utos dahil sa sunud-sunod na palitan ng paandar nina Emma at Georgia. Sino kaya ang unang susuko?

***
Dovie San Andres, matulungin!

Gusto-gusto namin ang ugali ng FB friend naming si Dovie San Andres dahil sa pagiging prangka at matulungin sa tao.

At dahil likas na maawain, ang iba’y inaabuso siya at niloloko.

Katulad ng nu’ng isang indie direktor na hiningan siya ng malaking halaga para sa gagawin nilang pelikula pero bigla namang naglahong parang bula.

Hindi ninyo naitatanong, si Dovie ay isang actress, script writer, director at producer ng DSL Films.

Mahilig siyang gumawa ng short film, at madalas ay siya ang bida sa kanyang proyekto.

Malapit na siyang umuwi ng Pilipinas para rito gumawa ng panibagong pelikula.

Kasalukuyan siyang naghahanap ngayon ng isang bodyguard na magsisilbing personal niyang bantay habang ginagawa niya ang proyekto kung saan makakatuwang daw aniya rito ang singer na si Mystica.

Si Dovie ay natapos ng Cashier and Customer Service at Fraser Valley College sa Canada.
***
Robin Padilla nagpakaama

Sa wakas ay tinanggap na rin ni Robin Padilla ang kanyang anak na si Queenie at ang mister nitong si Usama Mir na isang Pakistani national.

Binasbasan ng aktor ang dalawa bilang mag-asawa na matagal din bago niya natanggap.

Si Queenie ay ikinasal kay Usama noon pang 2012 pagkatapos na ito ay umalis sa showbiz at mag-concentrate sa pagiging Islam.
***
Toni bad trip kay Alex

Laging nabibitin sa tulog si Steve, ang anak nina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano dahil sa pangbubulahaw ni Alex Gonzaga sa tuwing dumarating ito ng bahay.

Lagi nga raw pinagsabihan ni Toni si Alex na huwag itong mag-ingay, at huwag din gigisinging ang anak nila dahil nagiging cranky.

Happy lang at excited sa Alex tuwing uuwi ng bahay dahil sa presence ng kanyang pamangking si baby Steve.

Gumawa na rin kaya ng sariling batit si Alex nang hindi na niya pinakikialaman ang pinaghirapan ni Toni. Hehehe!
***
Love story ni Francine Prieto, tampok sa Wagas

Ibabahagi ni Francine Prieto ang kanyang love story sa Wagas ngayong Sabado (March 11) at pagbibidahan ito ni Kapuso actress-host Lovely Abella.

Isa sa pinakamainit na sexy star ng kanyang henerasyon si Francine.

Naging cover siya ng ilang men’s magazine, naging model, lumabas sa telebisyon, at bumida sa mga pelikula ng Seiko Films bilang sexy actress.

Subalit lingid sa kaalaman ng marami, hind madali ang naging buhay ni Francine.

Breadwinner siya at ang dahilan ng pagkayod niya ay upang maipagamot ang ina na may cancer.

Ngunit kalaunan, kasabay ng pagkamatay ng kanyang ina ay ang pagbagsak ng kanyang dating maningning na karera.

Napabayaan niya ang kanyang sarili.

Ang dating sexy star, lumobo ang katawan at tumaba.

Nagkaroon siya ng depresyon na naging dahilan para lalo pang bumigat ang kanyang timbang.

Pero sa puntong ito naman ng buhay ni Francine dumating si Frank (Fabio Ide).

Isang Amerikanong professor at biologist si Frank at nagkakilala sila ni Francine sa isang blind date.

Tinanggap ni Frank ang lahat kay Francine at minahal siya ng buong buo—wala itong pakialam kung sikat o laos, sexy o mataba, maganda o pangit si Francine.

At hindi nagtagal, nauwi sa kasalan ang kanilang matamis na pagtitinginan.

Ang kwentong pag-ibig nina Francine at Frank ang patunay na lahat ay puwedeng bigyan ng pagkakataon na magmahal.

Ang wagas na pag-ibig ay walang sinusukat na timbang at hindi tumitingin sa pisikal na anyo ang dalawang tunay na nag-iibigan.

Huwag palampasin ang kuwentong ito ngayong Sabado sa Wagas, 7 p.m., sa GMA News TV.
***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday at maaari ninyong mapanood sa YouTube, Facebook Live at sa DWIZ App. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply