Search warrant ops, 5 GFH dedo, 1 pulis sugatan

police-line1

LIMANG miyembro ng gun-for-hire group ang bumulagta habang isang pulis naman ang nasugatan sa isang search warrant operations ng awtoridad sa Arayat, Pampanga kaninang madaling-araw, Sabado.

Kinilala ni Pampanga povincial director S/Supt. Joel Consulta ang mga suspek na sina Melvin Guevarra, kapitan ng Brgy. Cupang, Arayat, Pampanga; alyas Jack Pineda, Aldrin Luris, Fermin Batu at isang hindi pa nakikilalang suspek.

Sugatan naman ang isang pulis na hindi nakuha ang pangalan pero miyembro ito ng PNP-SWAT team.

Sa ulat, nag-umpisa ang insidente alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng madaling-araw sa bahay ng mga suspek sa Arayat, Pampanga.

Ayon kay Consulta, isisilbi sana ng awtoridad ang mandamiento de aresto na inisyu ni Gapan, Nueva Ecija Regional Trial Court Judge Celso Baguio laban kay Guevarra subalit nanlaban umano ang grupo nito.

Napansin aniya ni Pineda na mga pulis pala ang kanilang kaharap kaya agad itong nagpaputok at tinamaan ang isang pulis.

Dito na gumanti ang mga pulis at inabot ng 40 minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapatay ang limang mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang baby armalite rifle, dalawang caliber .45 pistol at isang .38 cal. revolver.

Sinabi pa ni Col. Consulta na mga miyembro ng private armed group at gun-for-hire ang mga napatay.

Si Guevarra ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal possession of explosive device o kaso sa ilalim ng Presidential Decree 1866 as amended. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply