SI VP ROBREDO ANG DAPAT PATALSIKIN

MALAMANG ‘pag nagkataon ay masisibak na rin sa kanyang puwesto bilang Bise-Presidente si VP Leni Robredo kapag isa-isa nang makumpleto ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga ebidensya na magbabaon kay Robredo sa isusumite nitong kasong impeachment complaint laban sa Bise-President dahil sa “betrayal of public trust.”

Pinaplano na ni Speaker Alvarez na siya mismo ang gagawa ng reklamo para ma-impeach si VP Robredo na inaakusahan niyang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang pa sa mga reklamo ni Alvarez para i-impeach si Robredo ay ang six-minute na video message na ginawa ni Robredo na kung saan ay ipinadala pa niya sa United Nations Commission on Narcotics Drugs na pinupuna o kini-critisize niya ang Duterte administration sa brutal campaign nito sa illegal drugs na umano’y pumatay sa 8000 katao.

Ayon pa sa mambabatas ang mga mensahe ni Robredo sa international body ay matatawag na “betrayal of public trust” kaya isa daw itong basehan ng “impeachable offense” sa ilalim ng Constitution.

Sa buong buhay daw ni HS Alvarez ngayon lang siya nakakita ng isang mataas na opisyal ng gobyerno na walang pakundangang siraan ang ating bansa sa international community, ni hindi man lang niya isinasaalang kung ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Bilib naman ako dito kay VP Robredo sa halip na makipagtulungan siya sa gobyerno ni Pangulong Duterte sa ginagawang pagpapaganda at pagpapa-unlad ng bansa ay siya pa mismo ang nangungunang sumisira sa bansa hindi lamang dito kundi sa buong mundo.

Ano ba ‘yan, dapat lang talagang kasuhan ng “betrayal of public trust” ang babaeng ‘yan dahil hindi na niya ginalang ang panloob na soberenya ng bansa bagkus ay ipinamalita pa nito sa buong international community.

Kung ako ang tatanungin, dapat lang na patalsikin si VP Robredo. Hindi naman talaga siya nanalo noong nakaraang eleksyon dahil nakapagtataka na lamang ng napakalaki noon ni Bongbong Marcos sa kanya pero pagsapit ng alas-4:00 ng madaling-araw ay biglang bumulusok ang mga boto niya sa ‘di malamang dahilan.

Ay naku, Leni, magbalot-balot ka na.

PASAKLA NI ERICK SA CAVITE, NAGLIPANA

Sa Cavite City sa lalawigan ng Cavite ay patuloy ang operasyon ng saklang may patay at saklang walang patay ni alyas Erick na tila hindi binibigyan pansin ng mga kapulisan dahil sa ginagawa nila itong gatasan.

Hindi ko lang alam kung malinis o nagmamalinis lang itong si Cavite Provincial Director (PD) Supt. Arthur Bisnar dahi mismo sa tungki ng ilong nito ang pasakla ni Erick pero bakit hindi niya nakikita, bakit dahil ba sa pasok sa timbre ni Maj. Cawatan?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply