VP Leni, atat maging presidente – Pang. Digong

INIHAYAG mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na masyadong apurado na maging presidente ng bansa si Vice President Leni Robredo.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa Filipino Community sa Republic Union of Myanmar sa Grand Ballroom 1, Tharaphi Villa 2, Horizon Lake View Hotel, Nay Pyi Taw ng nasabing bansa, sinabi nitong sa kanyang mga kalaban ay si VP Leni ang kinakitaan niya ng pagiging apurado na masungkit ang kanyang puwesto.

Kaya nga, hindi na siya magtataka kung nasasangkot ang pangalan nito sa destabilization plot laban sa kanya.

“I will not be surprised if she is there…or I will not also be— I will also not speculate if she is not there. Kasi ako hindi ako nakikialam sa buhay niya. Sana hindi niya rin pakialaman ‘yung akin,” ani Pangulong Duterte.

Maliban kay VP Leni ay hindi rin nakaligtas sa matalas na dila ng Pangulo at lantarang kinastigo nito sina Sen. Leila de Lima at Antonio Trillanes IV.

Sa katunayan ay tinawag pa niyang “barking dog” at “idiot” si Trillanes.

“Look at this idiot. Nagpa-muti-mutiny, ‘yun palang kaduwagan niya pagdating ng pulis nag-surrender. Ang ginawa, ninakaw ‘yung lahat ng mga twalya sa peninsula, mga bed sheets tanang kutsara. At hindi naman umabot ng barilan maski isang putok tapos. I cannot picker for… Kayo ba? Nakita naman niyo ang behavior medyo ano, pareho kay De Lima,” ayon kay Pangulong Duterte.

Hindi naman nagustuhan ng Pangulo kay Sen. De Lima ang naging pahayag nito na isa diumano siyang political prisoner.

“Since when? Since when ako nagpakulong ng oposisyon diyan? Siya ‘yang may… nagpa-video, nakita na ba ninyo ‘yun? O siya ‘yung nag.. because… ‘yan ang pinakatragedy natin. It was the Secretary of Justice herself running, trafficking drugs,” lahad nito. KRIS JOSE

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply