VP Leni, mag-public apology – VACC

KASUNOD ng lumabas na video ni Vice President Leni Robredo kung saan tila pagtratraydor sa pamahalaan at pagtalakay nito sa ‘di umano’y “palit-ulo scheme” ng PNP kontra-iligal na droga ay inoobliga naman siya ngayon ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) na magsagawa ng public apology.

Sa press conference na ginanap sa Maynila, inakusahan ng VACC ang ginawang ito ni Robredo na pagtataksil sa bayan.

Ayon kay VACC President Dante Jimenez, napaka-self-serving at
sinira lamang ni Robredo ang tiwala ng mga Pilipino sa kanya.

Aniya pa, wala namang ibang makikinabang kundi si Robredo sakaling mapatalsik sa puwesto ang pangulo.

Dapat umano ay kinonsulta muna ng bise presidente ang PNP bago nagsagawa ng mga alegasyon sa harap ng international community.

Matatandaang naglabas ng video ang pangalawang pangulo para sa kanyang talumpati sa United Nations Commissions, kung saan binatikos ni Robredo ang mga summary killings sa bansa, at ang “palit-ulo scheme” ng PNP na ayon sa kanya’y kinukuha ng mga pulis ang kamag-anak ng isang drug personality sakaling mabigong matagpuan ang kanilang target. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply