Walang katotohanang may relasyon sila ni Vice Ganda!

SA isang panayam kay PBA rookie at GlobalPort player Terrence Romeo, mariin nitong itinanggi ang rumors na siya’y in a relationship with “It’s Showtime” host Vice Ganda.

Paano naman kaya ipapaliwanag ni Terrence ang mga pahaging ni Vice sa kanyang nakaraang concert sa Araneta Coliseum na siya ang pinaghihinalaang ‘lover’ ni Vice dahil sa ginamit nitong ‘3-point shooter’ at salitang ‘crossover’, na madalas gamitin sa larong basketball?

Sabi pa ni Romeo, “Sana matapos na ‘yung isyu na ‘yan, dahil paulit ulit lang naman na hindi katotohanan! Isang multo yan ng imahe ko na gusto ko nang mabura totally. Sana huwag na silang gumawa ng mga bagay na hindi totoo. Sariling buhay na lang nila yung pansinin nila.”

Sa mga nangyayari sa anak, nagbigay na rin ng reaksyon ang tatay ni Romeo na si William.

“Ako, nahihiya ako sa mga pangyayari na ‘yan. Hindi ako masyadong nakikialam dahil takot ako na magsalita dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin kong susunod. Matagal na akong hindi natutuwa dyan (sa story na yan).

“‘Yung istorya na ‘yan, matagal na yan nasa FEU pa ‘yan, na sinasabi nga daw ni Vice na, ‘May bago akong boyfriend,’ na si Terrence, nanliligaw sa kanya.” pahayag ni William, Romeo’s father.

Ayaw na raw sana nitong magsalita tungkol sa isyu sa pakiusap ng kanyang asawa. Pero nais raw sana nitong makausap si Vice para matigil na ang lahat nang pandadawit sa kanyang anak.

Banta niya, “Pag may nadinig pa siguro ako, siguro kakausapin ko na siya. Pag nagsalita pa ulit siya, kakausapin ko na siya. Matagal ko na siyang gustong kausapin. Wala lang akong pagkakataon,” aniya.

Pahayag pa ng tatay ni Terrence, naniniwala raw siya sa anak at sa pagsasabi nitong wala silang relasyon ni Vice?

“Si Terrence talagang tinuturuan ko yan ng katuturan. So kung totoo man ‘yang istorya na ‘yan, sinuway niya ko. Dahil hindi naman lahat ng oras nakasama ko siya. Pero si Terrence, kumpleto ng aral sa akin ‘yan. Pinaiiwas ko siya sa mga bagay na hindi mabuti.”

Sabi pa ni William, walang katotohanan na niregaluhan ni Vice Ganda ng condo unit ang anak at isang mamahaling Hummer SUV. Paglilinaw pa ni William, iisa lang ang kotseng nakikita nito sa condo ng anak at ito’y pa-kotse pa ng Global Port bilang isa sa mga magaling na player ng koponan.

‘Nilinaw niya ang Hummer SUV, “Walang katotohanan ‘yun. Kasi kahit pumunta ka sa condo ni Terrence, iisa lang ang kotse niya tapos yung condo niya, pabahay lang ng Globalport ‘yun,” paulit-ulit niyang tanggi.

Tinanong din siya kung ano ang mensahe niya sa It’s Showtime host?

“Wala, wala. Ayoko na ng pinag-uusapan pa ‘yun. Baka pag nag-message pa ako pangit naman. Wala naman akong sasabihin (sa kanya).” pagtatapos ng elder Romeo.
—@@@—
Sa darating na March 11,2017 na ang Grand Finals ng Tawag Ng Tanghalan sa “It’s Showtime”.

Magtatagisan ang 8 naunang semi-finalist na kinabibilangan ng blind balladeer na si Carlmalogne Montecido na tunay namang pinaka-popular vsa lahat ng semi-finalists.

Pipiliin pa ngayong Sabado, March 4 ang dalawa pang makakalaban ng mga naunang semi’s sa apat na ‘resbakers’ na kinabibilangan nina Froilan, Jex na may sarili nang mga fans.

Sa Resorts World gaganapin ang grand finals on March 11 at aired ito ng live sa Kapamilya noontime. .
—-@@@—

15 awards kasama na ang TV Station of the Year, ang iniuwi ng ABS-CBN mula sa television category ng Gawad Tanglaw, isang academe-based group na binubo ng mga critics, scholars at academicians.

Sa TV category, nakakuha ng 15 awards ang ABS-CBN habang ang kanilang cable news channel ANC ay nag-uwi ng 7 awards.

Ang Cine Mo, a digital TV channel of ABS-CBN, got one award, ang “Funny Ka, Pare Ko” bilang best comedy show.

Samantala, ang GMA-7 ay nakakuha lamang ng four awards habang ang GMA News TV ay nag-uwi ng one award.

Ang TV5 also earned one award habang ang CNN earned two citations.

Ang two top winners(Best Actor at Best Actress) na nagmula sa acting awards sa television ay napanalunan ni Coco Martin sa seryeng FPJ: Ang Probinsyano at si Sylvia Sanchez naman ay nagwagi sa programang The Greatest Love.

Sa mga pinagpiliang pelikulang ipinalabas last year ibinase ang pagbibigay ng awards, at dito’y nagkaroon ng tie sa Best Actor at Best Actress.

Para sa Best Actress award nag-tie sina Charo Santos Concio sa pelikulang Ang Babaeng Humayo at Jaclyn Jose para sa Ma’Rosa.

Nag-tie rin sina Allen Dizon at Paolo Ballesteros sa Best Actor award.

Si Allen Dizon ay sa indie film na Iadya Mo Kami at si Paolo Ballesteros naman ay sa Die Beautiful.  ADORE-ABLE/ADOR SALUTA

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply