2 miyembro ng Ipit Gang, timbog sa QC

handcuff6

TIMBOG ang dalawa sa pitong miyembro ng Ipit Gang na nambiktima sa loob ng isang Yohan Express Bus sa kanto ng EDSA-Muñoz at Congressional Ave. sa Quezon City.

Ayon sa driver ng naturang bus na si Alexis Taclob, tinatahak nila ang EDSA nang mapansin niyang iniipit na ng mga suspek ang isang pasahero.

Buti na lamang at napansin ni Taclob ang mobile car ng QCPD na nakaparada sa Muñoz kaya’t agad niyang inihinto sa tapat nito ang kanyang minamanehong bus.

Dito na nagkagulo ang mga pasahero at nag-unahan na sa pagbaba kasabay ng mga suspek.

Ngunit namukhaan ng driver ang dalawa sa mga suspek kaya agad na inaresto at pinosasan ang mga ito.

Sa ngayon ay nakapiit na sa QCPD Station 2 ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong robbery/holdap. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply