Ama ng beauty queen na nahuli sa buy-bust, nag-suicide

TEPOK ang isang naarestong drug suspect at ama ng Miss World Philippines 2015 matapos magbaril sa sarili sa loob ng presinto sa Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang namatay na si Edmundo Parungao, ama ni Miss World Philippines 2015 Hilarie Danielle Parungao.

Ayon kay P/C Insp. Billy Mangali, hepe ng Solano Police Station, inireklamo umano ni Parungao na hindi siya makahinga dahil sa asthma matapos mahuli sa drug buy-bust operation sa nasabing bayan at makuhanan ng tatlong sachet ng shabu.

Aniya, nang tanggalin ang posas ni Parungao upang dalhin sa ospital ay agad nitong inagaw ang baril ng kanyang police escort, ikinasa at ipinutok sa kanyang bibig.

Isinailalim na rin sa paraffin test at autopsy ang biktima para sa malalimang imbestigasyon sa insidente.

Napag-alamang dati nang sumuko si Parungao sa Oplan Tokhang noong 2016. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply