Anak ni Lucy at Goma, Juday, sasabak sa Palarong Pambansa

gomez1

ILOILO CITY – Kinasasabikan na sa nalalapit na Palarong Pambansa 2017 ang anak ng ilang celebrities na kalahok sa pinakamalaking sporting event sa bansa.

Kasama sa delegasyon ng National Capital Region (NCR) ang anak ni Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana na maglalaro sa fencing habang sa swimming naman sasabak si Yohan Agoncillo, ang adopted child ng celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Kinumpirma ng pulisya sa Antique na kasama sa mga atleta ng NCR ang dalawang celebrity child bagama’t nakahiwalay ang kanilang tinutuluyan.

Sa isang resort naka-check-in ang dalawa habang ang delegasyon naman ng NCR ay sa bayan ng Bugasong sa Antique.

Samantala, tiniyak ng pamunuan ng Police Regional Office-6 ang zero-incident sa Palarong Pambansa 2017 na gaganapin sa lalawigan ng Antique simula sa Linggo, Abril 23.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO-6) director C/Supt. Jose Gentiles, makakaasa ang mga delegate sa seguridad ng mga ito sa kabuuan ng sporting event.

Ginawa ni Gentiles ang pahayag kasabay ng send off ceremony para sa 460 miyembro ng pulisya na ipinadala sa Antique bilang bahagi ng augmentation force. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply