Babaeng suspek sa ‘rent-sangla’ scam, itinumba

ITINUMBA ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isa sa mga suspek sa tinaguriang ‘rent-sangla’ scam.

Namatay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo ang biktima na kinilalang si Eleanor ‘Leah’ Constantino Rosales.

Naganap ang pamamaslang sa biktima habang papasok ito sa kanyang bahay sa Bgy. Malusak, Sta. Rosa, Laguna, Miyerkules ng hapon.

Kabababa lamang ng biktima sa isang SUV at kasalukuyang binubuksan ang gate ng kanyang bahay nang dumating ang dalawang suspek na naka-helmet at lulan ng motorsiklo.

Tinangka pang tumakbo ng biktima ngunit hinabol ito ng salarin at makailang ulit na pinaputukan hanggang sa bumulugta.

Si Rosales ang sinasabing sekretarya ng itinuturong mastermind sa ‘rent-sangla’ scam na si Rafaela Anunciacion.

Ang napatay na biktima at ilan pang mga personalidad ay una nang kinasuhan ng large-scale estafa at swindling dahil sa modus na panghihikayat umano ng mga biktima na magpaparenta ng kanilang sasakyan.

Gayunman, kalaunan ay isasangla na ng mga ito ang mga sasakyan sa ibang tao.

Umaabot sa daan-daang may-ari ng iba’t ibang sasakyan ang nabiktima ng modus ng mga suspek. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply