Bahagi ng Roxas Blvd., isasara ngayong weekend

PANSAMANTALANG isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Southbound lane ng Roxas Blvd. sa darating na weekends, April 22 at 23.

Ayon sa advisory na inilabas ng MPD Traffic Bureau, sa April 22 (Sabado), simula alas-2:00 ng hapon, sarado ang southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo para sa isang pista.

Habang sa April 23 naman (Linggo) simula alas-3:00 ng madaling-araw ay sarado na ang southbound lane ng Roxas Blvd., mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo, para sa isasagawang fun run.

Pinapayuhan ang mga motorista na humanap na ng mga alternatibong ruta upang ‘di na maantala sa pagbiyahe. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply