Bata sa China ginawang parachute ang payong, nakaligtas

HIMALANG nakaligtas ang isang batang lalaki sa China matapos tumalon mula sa ika-10 palapag ng isang gusali.

Nagawa niya ito gamit lamang ang isang payong bilang kanyang parachute.

Tumalon ang pitong-taong gulang na bata sa gusali habang hawak ang payong para gayahin ang napanood niyang cartoon character na tumalon mula sa isang bintana.

Bagaman nasa ikalimang palapag lang ang apartment ng bata sa Suzhou, Jiangsu, 10 palapag ang katumbas ng taas nito dahil pawang mga penthouse at duplex ang mga tirahan doon.

Ngunit bukod sa payong, ang pagkasabit niya sa isang kable ng kuryente ang nakapagligtas sa kanya sa kamatayan.

Ilang insidente na rin ang naitala sa China kung saan matinding nasusugatan ang mga bata matapos gayahin ang mga napapanood nila sa mga cartoon shows sa telebisyon. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply