Bucks 2-1 lead na vs Raptors

UMABANTE muli sa serye ang Milwaukee Bucks kontra sa Toronto Raptors (2-1) matapos tambakan ng una ang huli sa Game 3 sa mismong teritoryo nila sa iskor na 104-77.

Mula sa first half ay minalas na sa kanilang mga tira ang Raptors lalo na si DeMar DeRozan na sinamantala naman ng Bucks.

Kumamada si Khris Middleton ng 20 points habang si Greg Monroe ay nagdagdag ng 16 points at seven rebounds para sa sixth-seeded na Bucks sa Eastern Conference playoff series.

Nakakopo naman ang All-Star forward na si Giannis Antetokounmpo ng 19 points at walong rebounds.

Si DeRozan ay mayroon lamang walong puntos habang si Kyle Lowry naman ay nagtapos a 13 points.

Tinawag tuloy ni Raptors coach Dwane Casey ang kanilang pagkatalo na “ambush.”

Gaganapin pa rin sa bahay ng Bucks ang Game 4 sa Linggo, April 23. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply