Cavs nag-‘come from behind win’ vs Pacers

cavs1

NASILAT ng defending champions Cleveland Cavaliers ang Indiana Pacers matapos mahabol ang 26 point deficit nito sa score na 119-114.

Sa first half pa lamang ng laro ay umabante na kaagad nang 26 puntos ang Pacers hanggang sa half time, 74-49.

Pero nahabol ito sa pangunguna ni LeBron James at pagsapit ng third quarter ay nagtala siya ng 13 points.

Sa kabuuan, binitbit ni James ang team sa pamamagitan ng triple-double performance na 41 points, 13 rebounds at 12 assists.

Dahi dito, nalampasan na ni James ang record ni Kobe Bryant bilang No. 3 sa NBA’s career playoff scoring list.

Meron na ngayon si James kabuuang 5,669 points o 29 na puntos na kalamangan kay Bryant.

Liban dito, napantayan din ni LeBron ang isa pang NBA record na 20 sunod-sunod na panalo sa first-round game.

Nag-ambag din sina Kyrie Irving, Kevin Love, J.R. Smith at Channing Frye ng tig-13 puntos.

Sa Lunes ay tatangkain ng Cavs na ma-sweep sa Game 4 ang best-of-seven series laban sa Pacers.

Samantala, labis naman ang pagkasayang ng big game ni Paul George na kumamada ng 36 points, career-high 15 rebounds sa playoffs, at nine assists.

Kung saka-sakali, ito ang kauna-unanhang four-game sweep na matatamo ng Pacers mula ng maging bahagi ito NBA. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply