Davao Death Squad, aktibo na sa M. Manila

dds1

AKTIBO na sa Metro Manila ang hindi batid na bilang ng sibilyan na umano’y miyembro ng Davao Death Squad (DDS) at katulong na ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid sa isang unofficial report ukol sa extrajudicial killings (EJKs) ng mga drug suspect na isinulat ng isang retired police intelligence officer noong buwan ng Enero.

Batay sa report, pinalitan na ang tinaguriang DDS na ngayo’y tinatawag nang ‘Presidential Death Squad’.

Sinabi rin sa naturang report na mismong si Pangulong Duterte ang nagpahintulot ng pagde-deploy sa DDS sa National Capital Region (NCR) noong Hulyo ng nakaraang taon.

Mismong ang PNP aniya ang gumagawa ng mga pagpatay, at hindi ang mga vigilante group.

Ipinaliwag din ang umano’y pagkahumaling ni Duterte sa pagpatay ng mga drug suspect dahil na rin aniya sa paniniwala nito sa “social cleansing”.

Tinatayang aabot na sa 8,000 drug suspect ang napatay, karamihan ay sa Metro Manila, nang simulan ang war on drugs ni Pangulong Duterte. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply