Durant balik-laro na, Pelicans tambak sa Warriors

MATAPOS magpahinga sanhi ng tinamong injury, nakapaglaro na muli si Kevin Durant at sa kanyang pagbabalik ay nanalo ang Golden State Warriors kontra New Orleans Pelicans, 123-101.

Matapos hindi makapaglaro sa nakalipas na 19 games dahil sa knee injury, naging malakas si Durants sa laro kontra Pelicans pero nahirapang makapasok ng maraming puntos.

Matapos ang 31 minutong paglalaro, tumipa siya ng 16 puntos at 10 rebounds.

Bagama’t hindi naman nakapaglaro ngayong araw si Stephen Curry, dinomina pa rin ang Warriors kontra Pelicans. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply