Duterte ayaw tanggapin ang honorary award

pduterte20

TAHASANG inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggapin ang doctorate degree na balak ibigay sa kanya ng University of the Philippines (UP).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos maging kontrobersyal ang desisyon ng UP Board of Regents (BOR) at umani ng mga protesta mula sa mga estudyante at alumni ng pamantasan.

Anang pangulo, buong paggalang niyang tatanggihan ang nasabing honorary award dahil wala sa kanyang pagkatao ang pagtanggap ng mga parangal.

Aniya pa, kahit noong alkalde pa lamang siya ng Davao City, bahagi na ng kanyang personal at official policy na huwag tumanggap ng mga award o pagkilala.

Nilinaw naman ng pangulo na hindi niya nire-reject o kundi nagde-decline lamang siya sa UP honorary award.

“With due respect to the University of the Philippines I do not accept even when I was mayor ‘di tayo tumatanggap as a matter of personal and official policy I do not accept awards,” ani Pangulong Duterte. -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply