Duterte, Marcos nasa birthday party ni GMA

BISITA ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Glora Macapagal-Arroyo sa kanyang birthday party sina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bahay nito sa La Vista Subd., Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.

Nauna nang dumalo si Marcos sa isa pang birthday party ni Arroyo na idinaos naman sa Pampanga.

Samantala, hindi naman nakadaan si Pangulong Duterte sa nasabing birthday party ni Arroyo dahil sa prior commitment sa iba pang mga events.

Pero bumawi naman ang punong ehikutibo at maging ang kanyang common-law-wife na si Honeylet Avanceña at kanilang 12-taong gulang na anak na si Veronica ay kasama sa okasyon.

Samantala, nasa party din sina dating first gentleman Mike Arroyo at Sen. Richard Gordon na todong binatikos si Duterte sa komento nitong ibigay sa mga miyembro ng Kadamay ang mga pabahay para sa mga sundalo at pulis. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply