Financial aid sa drug rehab, ipinagkaloob ng Japan

NAGBIGAY ng halos 2-bilyong yen o halos isang P1-bilyon ang Japanese government sa Pilipinas.

Ito’y bilang tulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga drug rehabilitation centers gayundin ang pagpapaigting ng treatment protocols sa mga drug dependents.

Kahapon, kapwa lumagda sa isang kasunduan sina Health Sec. Paulyn Jean Ubial at Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Rep. Susumo sa ilalim ng consolidated rehabilitation on illegal drug users program.

Sa kasalukuyan, mayroong 44 na accredited treatment and rehabilitation centers ang DOH para sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot sa bansa. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply