Grizzlies ‘di pinaporma ang Spurs; 1-2 na

grizzlies1

BUMIDA si Mike Conley sa kanyang 24 points at eight assists upang tapusin ng Memphis Grizzlies ang kanilang 10 larong talo sa postseason kontra sa San Antonio Spurs, 105-94, sa Game 3 sa Western Conference playoffs.

Ang panalo ay nagbigay din sa bagong Grizzlies head coach na si David Fizdale ng kanyang unang postseason victory.

Hindi rin nagpahuli para sa team sina Marc Gasol at Zach Randolph na kapwa bumuslo ng 21 points.

Sa 1st quarter ay umabante na agad ang Memphis sa San Antonio sa iskor na 31-17 at inabot pa ng 22 puntos ang kalamangan sa second half.

Minalas sa mga tira si Kawhi Leonard na meron lamang 18 puntos samantalang sa unang dalawang laro ay mayroon siyang 32 at 37.

Nagbuslo naman si LaMarcus Aldridge ng 16 points habang si may 15 si Kyle Anderson para sa Spurs.

Dahil dito, nagdesisyon si Spurs coach Gregg Popovich na i-bench na lamang ang kanyang mga starters sa halos buong fourth quarter upang paghandaan at bumawi sa Game 4 sa Linggo. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply