Gwen, Kim at Regine, nakapaglalaway ang kaseksihan!

gwen-zamora1

SADYANG hinintay lang nina Gwen Zamora, Kim Rodriquez at Regine Velasquez ang summer para ilantad ang kaseksihan habang sila ay nagbabakasyon.

Inilantad ni Gwen ang kaseksihan sa mga larawan ipinoste niya habang nagbabakasyon sila ng dyowang si Jeremy Marquez sa Siargao ng ibuyangyang niya ang kanyang nakapaglalaway na alindog sa suot na 2-piece beige swimsuit.

Tila dinibdib talaga ni Gwen ang pagda-diet at pagwu-work out dahil sa hubog ngayon ng kanyang katawan. Walang kapuson- puson at bilbil sa magkabilang gilid ng baywang na siyang lagi niyang inirereklamo noon dahil sa mataba pa siya.

Ngayon ay confident na si Gwen na i-display ang seksing katawan na wala nang ikinakatakot na makita ang bilbil sa baywang.

Samantala, hindi naman napigil ni Ogie Alcasid na isulat ang mga katagang “my love” sa caption ng larawan nang kanyang wife na si Rgine na ipinoste niya sa kanyang Instagram wall.

Nakatalikod si Regine habang nakaupo sa pool side ang photo ng Songbirds sa IG wall ni Ogie.

Black and white ang larawan at wide shot ang kuha. Pero kapag zinoom-in ang larawan ay makikitang naka-two piece si Regine.

Buong-buo ang pagkakabilog ng puwet nang Songbirds na mistulang isang bote ng soft drinks ang hubog ng katawan, kaya super proud at ipinagmamalaki ni Ogie ang asawa.

Hindi rin nagpatalo si Kim Rodriquez, ang bagets na nagsimula sa GMA at sinabing young look-a-like ni Angel Locsin nang mabakasyon sa Patong, Phuket, Thailand.

Maglalaway at talagang mapapa-wow ka rin sa mga kuha ni Kim na dalagang-dalaga na at katakam-takam.

Ang Thailand ang napili ni Kim na lugar para ilantad ang kanyang alindog. Lahat ng kanyang followers ay nabighani at natakam na rin sa kalaway-laway niyang alindog.

Bongga ang shot ni Kim na may hawak na buko. Bukod kasi sa buko na hawak niya ay mapapansin talaga at hindi puwedeng mawaglit sa paningin ng mata ng mga barako ang dalawang malusog na “buko” sa kanyang harapan.

Sabi nga ng mga nakakita sa mga sexy photo ni Kim, puwet pa lang ng young actress ay “ulam” na “ulam” na.

***

Ang gaganda ng mga flower arrangements na ginawa ni Marian Rivera at take note, may sarili nang Instagram account na @floravida- bymarian, na orders sa kanya bago ang Holy Week.

May mga pangalan din ang ang mga ito na tinawag niyang, Cadiz, Malaga, Violeta, Rosa, Madrid, Sesville, Lanzarote, Xativa, Zaragoza, Ibiza, Salamca, Segovia, Nocolai, atbp. Hindi ipinaliwanag ni Marian kung paano niya binigyan ng pangalan ang bawat flowers arrangements na kanyang ginawa. May announcement si Marian na, “all orders received on April 28 will be available for pick-up on April 29 in our office.

We will resume acceptance of orders on May 17. Please email us at FloraVidabyMarian@gmail.com for your inquiries. Gracias por todos.”

Worth at affordable raw ang presyo ng flowers arrangements na oorderin dahil tatagal ito ng ilang taon at si Marian na rin mismo ang gagawa ng mga flower arrangement kaya may loving at tender touch raw ito ng actress.

Kahit magsisimula na si Marian sa bago niyang serye na Tadhana, drama anthology na tungkol sa mga OFW natin ay lagi siyang ready sa kanyang negosyo. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply