Halaga ng piso bumaba

dollar1

BUMABA sa ika-apat na araw ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng palitan kahapon.

Nagsara ang palitan sa P49.87 kontra isang dolyar, mababa nang mahigit P0.10 kumpara noong Miyerkules.

Ayon sa isang ekonomista, ang paghina ng piso ay bunsod ng pananatiling matatag ng United States Treasury dahilan upang tumaas ang dolyar.

Maliban dito, inirereserba rin ng mga mamumuhunan ang kanilang dollar reserve bunsod ng papalapit na French Elections at ang hindi pa nareresolbang sigalot sa pagitan ng Amerika at North Korea.

Samantala, nagsara naman sa P63.53 ang palitan ng piso at pound; P53.25 sa euro; P13.25 sa Saudi riyal; P35.55 sa Singaporean dollars.

Gayundin, nasa P6.40 ang isang Hongkong dollars; P0.46 kada isang yen; P36.87 sa Canadian dollar at P131.94 sa Bahraini dinar. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply