Hindi raw ginamit si Kris!

MAY nai-post na video si Nueva Ecija Councilor Renan Morales posted para linawin ang some misconceptions about Kris Aquino’s working relationship with his mom Rhodora Morales for her TV special #TripNiKris.

Mrs. Morales was the producer of Kris’s TV special na umere sa GMA Network last April 9.

Sa kanyang exclusive interview, pinabulaanan ni Kris ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Renan.

She also made mention about her alleged super delayed talent fee in that TV special.

Last April 17, by way of a video that lasted for 7 minutes and 20 seconds, Renan gave his side of the story.

He refuted what the entertainment ed of a famed tabloid wrote about him being the object of Kris Aquino’s affection.

The entertainment ed qouted veteran talent manager Lolita Biglang Chakah na kinu-quote naman ang usapan nila ng ermats ni Renan na nililigawan na raw nito ang queen of all media.

Said entertainment ed also wrote that it was Renan who supposedly sent Kris some flowers and balloons and not Mayor Herbert Bautista.

Ronan denied having said that Kris is in love with him.

“Regarding sa comment ng isang diyaryo na nakalagay run na sinabi ko raw na si Kris is in love with me, never ko pong sinabi yun ever.

“At kahit po totoo man ito, hindi po kayang sabihin ng konsensiya ko ang mga ganitong bagay.

“It’s very inappropriate para magsabi ako ng mga ganitong bagay.

“Noon pong nag-meet ang family namin and si Miss Kris, sobrang casual, very friendly. Ang ganda ng usapan namin.

“And, of course, nung nakuha na namin siya as an actress, nung nag-sign up siya with us, si Miss Kris naman, normal na pinapadalhan siya ng flowers, normal na pinapadalhan siya ng balloons nang lahat ng fans, ng lahat ng mga producer niya.

“So the moment po na nagkaroon kami ng business, nagkaroon kami ng agreement, so naging ano na po kami, nagkaroon kami ng harmony, may relationship na po na na-build, yung The Ultimate team and ‘yung grupo ni Miss Kris.

“All-out support kami and open po sa public kasi ipinu-post naman ito ni Miss Kris.”

Also, pinagdudahan rin ni Renan na si Kris ang nagsabi ng “super-use-me-in-a-sentence” to describe her working relationship with Mrs. Morales and Renan.

“Actually po, siyempre nagulat lang po kami na merong ganoong isyu na ‘super-use-me-in-a-sentence,’” he admonishes. “Hindi ko po… kasi po, hindi ko alam kung talagang siya ang nagsabi nito.

“Nagtataka po ako kung nasabi ito ni Miss Kris kasi napakaganda po ng relationship ng mom ko and ni Kris.

“And talagang ang mommy ko, sobrang naniniwala siya about the show.

“And talagang ginawa niya, nagpursige, nagpagod po ang lahat ng team para mabuo itong #TripNiKris na show.

“Kaya po itong ‘use me’ na sinasabi ni Miss Kris… in general po ba ito na nagamit siya?

“Of course,” he avers, “siyempre nung hinire namin siya professionally as an actress, okay, para i-feature yung magagandang lugar sa Philippines.

“Number one nga po, ipinromote namin ‘yung Nueva Ecija, since kami nga po ay taga-Nueva Ecija.

“So, in behalf of the whole Nueva Ecija, gusto naming ipakita sa buong Pilipinas na ang Nueva Ecija, e, meron nang tourism.

“Meron po kaming masasarap na pagkain at meron pong magagandang tanawin, kung sinong pumunta sa aming bayan, at maraming-marami pa kami na gustong i-feature doon.

“So, kaya run sa nagamit po siya, I believe, siguro sinabi niya ‘yun because of the fact na may mga tsismis na lumabas na nali-link kaming dalawa.

“So, ‘yun po ‘yung sa tingin ko na sinasabi ni Miss Kris.”

In the past, na-link siya sa sexy actresses na sina Andrea del Rosario, Juliana Palermo, at Jeni Hernandez.

ARA MINA AND PATRICK MENESES TOGETHER AGAIN?

“Nagkabalikan na po ba sila?” that’s the very interesting question that’s roiling in the minds of most people when they would look at the photo of Ara Mina and Mayor Patrick Meneses that was taken during their recent trip in Brunei.

Ito ang katanungang naglalaro sa isipan ng mga tao na nakakita ng kanilang intimate photograph.

Kasama nila sa trip na ‘to ang anak nilang si Amanda Gabrielle.

Anyway, kitang-kita ang sweetness nina Ara at Patrick sa kanilang Instagram account ng isang Kathelyn Dupaya.

“God is Good together again love u both,” says Kathelyn.

Sa intimate photograph nina Ara at Patrick na nasa aktong kumukuha ng selfie shot, maraming netizen ang kinilig.

Anyhow, walang saktong sagot si Ara o ang uploader. Nag-post din ng Instagram video ang user wherein Ara and Patrick are most intimate while they were going down the starirs.

But as of this writing both Ara and Patrick are non-committal. In an interview last December 2016, Ara said that she and Patrick have remained the best of friends for their daughter’s sake.

But she is not in the least bit expecting that there would be a reconciliation.

“Two years na, ‘di ba? Kung babalikan niya ako, dapat may move na,” she averred.

“Pero hindi naman ako umaasa na babalikan niya ako. Tanggap ko naman.”

JUANCHO TRIVINO, EMOSYONAL ANG MENSAHE RJ PADILLA

Kung naiyak na kami sa pamamaalam ng karakter ni Arman sa tropa niyang sina Badong at Ninay sa Destined To Be Yours, mas magiging emosyonal pa pala kami sa post ni Juancho Trivino para sa pamamaalam ni RJ Padilla na nasa Australia na ngayon. Kitang-kita kasi ang friendship na nabuo sa kanila.

Pagsisimula ng Kapuso actor: “Brader Rj!! Pinalabas na kanina ung scene na aalis ka, umalis ka na talaga ng hindi kita nakikita.”

Pinagmalaki rin niya na isa ito sa closest friends niya. “Since day 1 ng Bubble Gang auditions naging kaibigan na kita, inaanak ko ‘yung anak mo at higit sa lahat isa ka sa bestfriends ko. Ingat ka d’yan sa Australia. There are no goodbyes, see you later lang kapatid!” Truly, we’ll miss you, RJ! Team Pelangi will never be the same again.

JAKE EJERCITO DEDMA LANG SA JOINT CUSTODY PETITION PARA SA ANAK NA SI ELLIE

Looking for a new woman to fall in love with is the farthest from Jake Ejercito sort of priorities at the moment. He is more focused in giving guidence to his fast growing up daughter Ellie and finishing his course in college.

“Let’s not talk about it na lang,” sabi ni Jake sa isang panayam.

Natiyempuhan ng press si Jake sa 80th birthday celebration ng kanyang amang si Mayor Joseph “Erap” Estrada that was held at the Manila Hotel.

Jake further intimated na nasa korte na ang kanyang petition for joint custody at sa ngayon daw ay ini-enjoy niya ang company ng kanyang anak dahil this coming Sunday ay babalik na siya ng Singapore to finish his studies.

“I’ll be finishing this August, then mag-Masters ako, Marketing,” he intimated.

Super fulfilled daw siya dahil almost two days silang nagkasama ng kanyang anak in connection with the celebraton of his father’s birthday.

“I’m a proud father to Ellie,” he enthused. “I mean, she’s already five and she’s grown so much na.

“So, I’m just enjoying every moment that I share with her.”

Excited daw siya dahil starting August, madalas na niyang makakasama ang kanyang anak.

“That’s why I’m very excited to be based here for good starting this August, para mas makikita ko na rin si Ellie.”

Wala raw puwang sa kanyang buhay ang love life. “A, no. I have four months to go sa university. And bettering myself for me and Ellie na rin.”

On to other things, he says he’s happy for her Ate Jerika Ejercito because she now has a new Spanish boyfriend named Miquel Aguilar Garcia.

***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at peteampoloquiojr@gmail.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply