Holdaper na pumalag sa parak, tumba

crime-4

TUMBA ang isang kilabot na holdaper sa North Caloocan matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ng follow-up operation ang Caloocan Police sa Victory Gate 1, Brgy. 180, Caloocan City sa holdapan sa Quirino Hi-way noong April 17 ng gabi.

Dalawang suspek ang hinahanap ng mga pulis kabilang si John Rey Obando, ngunit nang maramdaman ng suspek ang presensya ng mga pulis ay agad itong nagpaputok ng improvised shotgun.

Dito na napilitan ang mga operatiba na barilin si Obando na agad nitong ikinamatay.

Ang napatay na suspek ay kilalang holdaper sa Brgy. 171 at 180, Caloccan City na sangkot din sa pagbebenta ng bawal na gamot. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply