Horn, ‘di uubra kay Pacquiao – coach Roach

HINDING-HINDI maa-upset ni Australian Olympian Jeff Horn si Sen. Manny Pacquiao.

Ito ang pagtitiyak ni Hall of Famer trainer Freddie Roach na bagama’t normal na lang ang pangyayari na may nagaganap na upset sa boxing.

Pero sa susunod na championship fight ng kanyang manok at ni Jeff Horn ay hindi siya makapapayag na mangyari ito.

Ginawa ni Roach ang pahayag matapos magyabang si Horn at maging ang coach nito na gugulatin nila ang mundo sa pamamagitan ng pagtala ng upset.

Buwelta naman ni Roach, hindi sila aalis ng Australia sa July 2 na hindi bitbit muli ang korona ni Pacman.

Aniya, sa susunod na buwan ay tutungo siya ng Pilipinas upang simulan ang pagbuo ng mga istratehiya sa bakbakan.

Ayon pa kay Roach, gumagawa siya ng mga istilo sa mga galaw ni Pacquiao depende sa kung sino ang makakalaban. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply