Ilang miyembro ng Coldplay nasa bansa na

coldplay1

DUMATING na sa Maynila ang dalawa sa mga miyembro ng British band na Coldplay.

Sinalubong ng fans sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sina Chris Martin at Phil Harvey.

Nakatakda ang concert ng Coldplay sa April 4, sa Mall of Asia (MOA) Concert Grounds sa Pasay City.

Ang concert ay bahagi ng “A Head Full of Dreams” world tour ng banda.

Inaasahan naman ng Filipino fans na kakantahin ng Coldplay ang ilan sa mga sikat na awitin nila tulad ng “Yellow”, “Fix You”, “Viva La Vida”, at “The Scientist.” -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply