Impeachment complaints, hindi susuportahan ng LP

HINDI susuportahan ng mga kongresista mula sa Librel Party (LP) ang anomang impeachment complaint laban sa mga lider ng bansa.

Ayon kay Deputy Speaker Romero Quimbo, napagkasunduan ito ng LP sa pagpupulong ng partido kahapon kasama ang 15 kongresista nito.

Ayon sa LP, magiging abala lamang ang impeachment complaints sa iba pang usapin na mas dapat na pagtuunan ng pansin ng Kamara.

Aniya, lalo lamang mahahati ang Mababang Kapulungan.

Ipinahayag din ng partido ang mariing suporta nito sa pangulo ng LP na si Vice President Leni Robredo.

Matatandaang noong Marso, inihain ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang impeachment complaint sa Kamara laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna na ring pinahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pinag-aaralan niya ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply