Ipinalalabas ang bank transactions ni Digong: Trillanes butata

trillanes2

NABUTATA ang kahilingan ni Sen. Antonio Trillanes IVsa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ilabas ang mga “flagged/reported” bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa liham na ipinadala nila kay Trillanes, humingi ng paumanhin ang AMLC dahil hindi nila ito maaring gawin sapagkat hindi ito pinahihintulutan sa ilalim ng Bank Secrecy Law.

Paliwanag ng AMLC, lahat ng mga transaksyon sa bangko ay mananatiling “absolutely confidential” at hindi maaaring ibigay sa sinuman kahit pa ito’y opisyal ng gobyerno, kawanihan o anumang opisina.

Dagdag pa ng AMLC, bagaman mayroon silang kapangyarihan na magsagawa ng bank inquiry, nakasaad sa Anti-Money Laundering Act of 2001 na maari lang nila itong gawin para sa imbestigasyon ng aktibidad na labag sa batas.

Kung hindi naman ito ang dahilan, hindi sila maaring magsagawa ng bank inquiry, at hindi nila maaring kunin ang mga bank records o transactions ninoman. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply