KathNiel movie, kumita na nang P100M sa loob ng 4 na araw!

kathniel1

PATULOY sa pagtabo sa takilya ang pelikulang Cant Help Falling In Love na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Record-breaking ang first day result nito na nakapagtala ng kitang P33-million sa opening day. At after four days, umabot na sa P100-milyon ang kinita ng bagong movie ng KathNiel.

Mas malaki ito nang P10-milyon sa first day gross ng naunang pelikula nina Kathryn at Daniel na Barcelona: A Love Untold. Base sa Wikipedia, ang Barcelona: A Love Untold ay kumita ng kabuuang P321-milyon.

Sa Twitter account naman ni Kathryn na @bernardokath, nagpasalamat siya sa lahat ng nanood ng kanilang pelikula noong first day:

“Maraming salamat sa lahat ng nanuod on our first day! kung pwede ko lang kayo pasalamatan isa isa.”

Sobra naman ang kagalakan at pasasalamat ng dalawang Kapamilya stars sa magandang pagtanggap ng publiko sa kanilang pelikula.

Wika ni Daniel, “Wala naman tayong goals sa kita at hindi naman talaga natin iniisip yung kita rito. Mas more on, kung nagustuhan ng mga tao (iyong pelikula), iyon ang mas importante.”

Pahayag naman ni Kathryn, “Ito iyong gusto namin talaga, ang maging successful ang movie, and masaya kami sa result.”

Natutuwa rin sina Kathryn at Daniel sa mga positibong feedback sa kanilang pelikulang ito.

“Natutuwa talaga kami tuwing sinasabi talaga nila iyon na sobra silang kumonek doon sa istorya,” saad pa ni DJ.

Sa ngayon, patuloy ang kaliwa’t kanang block screening ng naturang pelikula ng Star Cinema. Balita namin ay higit 130 ang nakatakdang block screening ng Can’t Help Falling In Love, patunay lang ito kung gaano ka-excited ang maraming KathNiel fans para sa bagong pelikula ng kanilang idolo. Showing sa higit 300 cinemas nationwide ang Can’t Help Falling In Love.

LOVELY ABELLA, MASAYA SA TAKBO NG SHOWBIZ CAREER!

PATULOY ang lalong pagganda ng showbiz career ni Lovely Abella. Nagsimula siya bilang dancer sa defunct game show ni Willie Revillame na Wowowillie sa TV5. Tapos nito ay nagtuloy-tuloy na si Lovely sa pagiging.

Ngayon ay nakararami na siya ng shows at isa sa casts ng D’ Originals sa GMA-7 at ayon sa kanya, sobra siyang happy sa mga oportunidad na dumarating sa kanya ngayon.

“Sobrang happy po na from dancer, nagpursige talaga ako para maging artista at unti-unti ko nang maaabot ang pangarap ko. Bale marami na rin po akong naging show, nag-start ako talaga at nakilala sa Sunday Pinasaya, tapos nag-Calle Siete po, nag-Conan My Beautician… ‘yan po ‘yung mga shows na maganda na ang role ko.

“Sa ngayon po, ang mga show ko ay Sunday PINASaya, Bubble Gang at iyon pong D’ Originals,” saad ni Lovely.

Ano ang role niya sa D’ Originals? “Ang role ko po rito’y bilang si Cristina na half-sister ni Marge (LJ Reyes). Ang role ko rito ay masayahin talaga, ayaw ko ng negative vibes, mahilig ako sa mga Feng Shui, mapagmahal na kapatid kay Marge at sa anak niya. Hindi ko sinasadya na ma-fall sa asawa ng kapatid ko. Dumating sa point na hindi ko na natiis, dahil tao lang ako.

“Drama-comedy po ito para sa hapon po, kaya hindi ganoon kabigat.”

Kaabang-abang sa seryeng D’ Originals kung paano nakisalo si Lovely kay Mark, na asawa ng kapatid niyang si LJ.

“Yes po, ‘yun po ang aabangan nila, kung sino ang nag-first move sa amin ni Mark Herras,” esplika ni Lovely. STYLE SHOWBIZ/NONIE NICASIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply